NAIA inalerto; Pinay OFWs patungong Bahrain ginagawang prosti
May 9, 2001 | 12:00am
Inalerto kahapon ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo ang mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na doblehin ang paghihigpit sa mga kababaihang papaalis patungong Bahrain makaraang makatanggap ng mga report na maraming bilang ng mga Pinay OFWs ang nagiging prostitute sa nasabing lugar.
Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), 16 Pinay na ipinadala sa Bahrain ang umalis ng dalawang grupo bilang mga prostitute sa isang sex ring na inooperate ng mga Arabo at Filipino. Nabatid na pinangakuan sila na kikita ng mahigit US$20,000 sa loob lamang ng tatlong buwan kung papasok silang prostitute.
Napag-alaman pa na ang mga babae ay ipinadala sa Bahrain ng isang Sharif Ad Ibrahim ng isang recruitment agency na nakabase sa Paco, Maynila. Kasunod nito, nagpalabas ng order si Domingo kung saan nire-require sa lahat ng dalagang Pinay na patungong Bahrain na kumuha muna ng entry visa mula sa Bahrain Embassy sa Maynila o trips na isponsor ng Bahrain-based travel agency. Ang Bahrain visas ay iniisyu sa ports of entry sa Bahrain.
Sa report ng Philippine consulate sa Manama, ang mga Pinay na nakatakdang umalis patungong Bahrain ang papalit sa Russian prostitutes na ipinadeport ng pamahalaang Bahrain. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended