Miriam tinangkang arestuhin ng VACC
May 5, 2001 | 12:00am
Bigo ang tangkang pagpapapogi umano ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng tangkain nilang dakpin si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pamamagitan ng citizens arrest sa tahanan nito kahapon sa UP Village, Quezon City.
Hindi naaresto nina Dante Jimenez at Lauro Vizconde ang kontrobersyal na senadora makaraang iligaw sila nito sa pamamagitan ng pagpapalabas nito ng kanyang kotse na hinabol naman ng mga volunteers pero wala roon si Santiago.
Sinasabing nang tangkain nilang barikadahan ang bahay ng senadora ay sinalubong sila ng mga supporters nito at nakialam na rin sa kanila ang local government ng QC.
Samantala, itinanggi naman ni Santiago na siya ay mamamaril sa sinumang aaresto sa kanya ng walang dalang warrant of arrest.
Anang senadora, isa siya sa magaling na abogadang nagtapos ng Law sa Harvard University bukod sa isa siyang dating hukom at magaling na senadora kaya laging nasa ibabaw ng kanyang lamesa ang baril na 9mm na kanyang ipinakita at gagamitin lamang daw niya sa pagtatanggol ngayong nasa ilalim ng state of rebellion ang Metro Manila.
Tiniyak naman ng Department of Justice na hindi nito aarestuhin si Santiago hanggat hindi pa ipinapalabas ng Korte Suprema ang resolution hinggil sa isinumite nitong petisyon na humihiling na magpalabas ng temporary restraining order para pigilin ang warrantless arrest ng DOJ.
Umani naman ng pagbatikos mula sa militanteng hanay ang ginawang pagpabor ni Pangulong Arroyo sa senadora dahil ito umano ay pagpapakita ng pagiging double standard nito.
Pinuna nila na binigyang pabor ng Presidente si Santiago dahil sa pagtanaw ng utang na loob nito kay Air Force Chief, Lt. Gen. Benjamin Defensor Jr. na kapatid ng senadora dahil sa ipinakita nitong katapatan partikular noong EDSA 3. (Ulat nina Andi Garcia/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest