Ayon kay PPC senatorial candidate Liwayway Vinzons Chato, naganap ang tangkang pagpapabagsak kay Arroyo ng mga Erap supporters, 13 araw bago mag-eleksiyon. "Hindi naman siguro sinasadya ng mga supporter niya na isagawa nila yong pagsugod sa Malakanyang noong Martes (May 1), 13 days before election."
Ayon pa kay Chato, malamang na lalong malasin ang mga senatorial candidates ni Estrada dahil ang kowalisyon nitong "Puwersa ng Masa" ay may 13 letra. (Ulat ni Malou Rongalerios)