Puwersa candidates naghugas kamay
May 2, 2001 | 12:00am
Mga duwag at iresponsable umano ang mga lider ng tinaguriang Edsa 3 dahil pinabayaan na lamang ng mga ito na sumugod ang mga tao sa Mendiola at doon manggulo, at patuloy na itinatago ang kanilang sarili.
Sa pahayag nina Bohol Rep. Ernesto Herrera at Quezon Rep. Wigberto Tañada, sinabi ng mga ito na duwag ang namumuno sa tinawag nilang People Power 3 dahil walang gustong umamin sa mga ito.
Sa pulong balitaan sa Club Filipino sa San Juan, nagkanya-kanyang tanggi sina Senators Miriam Defensor-Santiago, Tito Sotto, Juan Ponce Enrile, Orly Mercado at Ed Angara at sinabi ng mga ito sa panayam na naimbitahan lamang sila.
Maging si re-electionist Makati Cong. Agapito "Butz" Aquino ay itinanggi na isa siya sa nag-utos sa pagsugod ng mga pro-Erap supporters sa Palasyo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest