Paglabas ni Jalosjos sa Munti kinontra

Hiniling kahapon ng Office of Solicitor General sa Supreme Court na huwag payagan ang sentensyadong rapist na si Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos na makalabas ng kulungan nito sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa para maipagamot lang ang sakit nito sa puso at sa hypertension.

Sinabi ng OSG na hindi maiaalis ang posibilidad na tumakas si Jalosjos habang nagpapagamot o habang bumibiyahe patungo sa Makati Medical Center at pabalik sa NBP.

Iginiit ng OSG na kayang gamutin ng NBP Hospital si Jalosjos. (Ulat ni Delon Porcalla)

Show comments