Isa sa mga abogado ni Estrada na si Raymond Fortun ang nagsabing ibinida sa kanya ng mapapanaligang impormante na dadalhin ng mga eroplanong F-5 ng Air Force ang dating Pangulo sa Palau bago magpalabas ng pahayag na tumakas ito.
Kaugnay nito, ayon kay Fortun, kinansela ni Estrada ang plano sana nitong pagbisita sa Mindanao kahapon.
"Walang ganyan. Una, tinitiyak ng pamahalaan na hindi siya (Estrada) makakalabas (ng bansa) kaya paano namin siya eeskortan palabas," sabi naman ni Air Force Spokesman Col. Horacio Lapinid. Inaasahan ni Fortun at ng ibang opisyal ng Malacañang na aarestuhin na si Estrada ngayong Martes kaugnay ng kaso nitong plunder. (Ulat ni Danilo Garcia)