Erap, puwersahang ililipad sa Palau
April 24, 2001 | 12:00am
Sinabi kahapon ni dating Pangulong Joseph Estrada na pinaplano ng pamahalaan na ilipad siya patungo sa Palau, isang islang teritoryo ng Estados Unidos sa Pacific region. Sinabi ni Estrada na, sa naturang plano, haharangin ng Air Force ang kanya jet at pupuwersahin itong lumapag sa Palau bago palabasing tumakas siya para maiwasang makulong kaugnay ng mga kinakaharap niyang kasong kriminal. Pinabulaanan ng militar ang naturang akusasyon kasabay ng pagsasabing 24 oras na minomonitor si Estrada mula nang kasuhan ito sa Sandiganbayan may tatlong linggo na ang nakakaraan.
Isa sa mga abogado ni Estrada na si Raymond Fortun ang nagsabing ibinida sa kanya ng mapapanaligang impormante na dadalhin ng mga eroplanong F-5 ng Air Force ang dating Pangulo sa Palau bago magpalabas ng pahayag na tumakas ito.
Kaugnay nito, ayon kay Fortun, kinansela ni Estrada ang plano sana nitong pagbisita sa Mindanao kahapon.
"Walang ganyan. Una, tinitiyak ng pamahalaan na hindi siya (Estrada) makakalabas (ng bansa) kaya paano namin siya eeskortan palabas," sabi naman ni Air Force Spokesman Col. Horacio Lapinid. Inaasahan ni Fortun at ng ibang opisyal ng Malacañang na aarestuhin na si Estrada ngayong Martes kaugnay ng kaso nitong plunder. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended