^

Bansa

Dahil sa pagkamatay ng PMA cadet, Carranza di magbibitiw

-
Walang planong magbitiw sa tungkulin si Philippine Military Academy (PMA) Supt. Major General Manuel Carranza dahilan sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Monico De Guzman.

Ito ang pagbibigay diin ni Carranza sa gitna ng mga panawagan ng Crusade Against Violence (CAV) na magbitiw na ito dahil hindi nito kayang kontrolin ang serye ng pagkamatay ng mga kadete sa hazing.

Nilinaw ni Carranza na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni De Guzman, hindi tulad nang nangyari kay Cadet 4th Class Edward Domingo, nagkasakit ito at minalas pang matapat na brownout nang sinasalba ang buhay nito sa Baguio General Hospital noong nakalipas na Sabado.

Si De Guzman ay binawian ng buhay habang sinisipsip ang tubig nito sa baga sanhi ng karamdaman nitong acute respiratory syndrome o kahirapan sa paghinga kung saan bahagi ng iniinom nitong tubig ay napupunta sa baga. Sinabi rin nito na walang siyang itinatago sa pagkamatay ni De Guzman dahilan sa pinaiiral ng kanyang liderato ang "transparency" sa akademya. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGUIO GENERAL HOSPITAL

CARRANZA

CLASS EDWARD DOMINGO

CLASS MONICO DE GUZMAN

CRUSADE AGAINST VIOLENCE

DE GUZMAN

JOY CANTOS

MAJOR GENERAL MANUEL CARRANZA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SI DE GUZMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with