Manero sumuko na
April 10, 2001 | 12:00am
Nakatakdang humarap ngayon kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang puganteng convicted priest killer na si Norberto Manero alyas Kumander Bukay sa Zamboanga City. Sumuko kahapon ng umaga si Manero kay Presidential Adviser for Mindanao Affairs Jesus Dureza sa isang liblib na lugar sa Polomoloc, South Cotabato.
Ayon kay Dureza, walang hininging kondisyon si Manero kapalit ng kanyang pagsuko at sinabing handa nitong harapin ang anumang dagdag na parusa sa kanyang ginawang pagtakas sa Sarangani Provincial Jail ng halos dalawang buwan. Gayunman,sinabi ni Manero sa isang pulong balitaan na may hihilingin siya sa Pangulo sa kanilang nakatakdang paghaharap ngayon subalit hindi nito tinukoy ang mga naturang kahilingan.
Napag-alaman naman kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza, nakumbinsi si Manero ng kanyang mga kamag-anak na sumuko dahil sa ipinakitang malasakit ng pamahalaan sa kasong kinakaharap nito.
Bagamat walang sinunod sa mga kahilingan ni Manero ang administrasyon, nagbigay naman ito ng kasiguruhan na rerepasuhin ang kaso nito at kasabay ng mabilisang pagpapalabas ng resolusyon.
Si Manero ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa pagpaslang nito sa Italyanong pari na si Tullio Favali sa Tulunan,North Cotabato noong 1985. Una itong tumakas mula sa Davao Prison Farm noong Mayo 13, 1992 bago ito nabigyan ng pardon ni dating Pangulong Joseph Estrada noong Disyembre 1999 subalit dahil sa protesta ng mga anti-crime groups napilitan si Estrada na bawiin ang ibinigay nitong pardon.
Noong Pebrero 25 ng nakalipas na taon ay sumuko si Manero matapos ang serye ng negosasyon at ikinulong ito sa Sarangani Provincial Jail noong Pebrero 28.
Gayunman pumuga si Manero noong Marso 22 at naglatag ito ng apat na kundisyon kapalit ng pagbabalik loob sa batas. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson at Chief of Staff Renato Corona na tuloy ang imbestigasyon hinggil sa kung papaano nakatakas si Manero sa bilangguan.
Sakaling mapatunayan na may kinalaman ang jail warden sa pagtakas ni Manero kailangan din mapatawan ito ng parusa. Hindi na ibabalik sa Sarangani Provincial Jail si Manero sa halip sa Davao Penal Colony ito ikukulong. (Ulat nina Rose Tamayo, Joy Cantos at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended