Ayon kay Honasan, tagapangulo ng Senate peace committee, dapat panindigan ng pamahalaan ang naipangako nito sa kasunduan sa RPA-ABB noong Disyembre 10 kung ayaw nitong magulo muli ang kapayapaan lalo na sa kanayunan.
Ginawa ni Honasan ang babala dahil sa utos kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Peace Adviser Eduardo Ermita na repasuhin ang naturang kasunduan dahil sa kakapusan sa pondo ng pamahalaan. (Ulat ni Doris Franche)