Solon nagbabala sa pagtalikod sa peace pact sa RPA-ABB
April 7, 2001 | 12:00am
Nagbabala kahapon si Senador Gregorio Honasan sa pamahalaang Arroyo laban sa pagtalikod sa kasunduang pakikipagkapayapaan sa Revolutionary Proletariat Army-Alex Boncayao Brigade.
Ayon kay Honasan, tagapangulo ng Senate peace committee, dapat panindigan ng pamahalaan ang naipangako nito sa kasunduan sa RPA-ABB noong Disyembre 10 kung ayaw nitong magulo muli ang kapayapaan lalo na sa kanayunan.
Ginawa ni Honasan ang babala dahil sa utos kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Peace Adviser Eduardo Ermita na repasuhin ang naturang kasunduan dahil sa kakapusan sa pondo ng pamahalaan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest