Jude, loyal na kay GMA

CLARK FIELD, Pampanga - Isa sa mga anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Air Force Captain Jude Estrada ang naghayag kahapon na lumipat na kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang katapatan nang manumpa ito sa tungkulin at kilalanin ito ng Armed Forces of the Philippines.

"Isa akong sundalo," sabi ni Jude sa isang panayam sa change of command ng 710th Special Operations Wing at ng Air Reserve Command ng Philippine Air Force rito.

"Bilang isang sundalo, tapat ako sa commander-in-chief, kahit sino pa siya," dagdag pa ng batang Estrada.

Sinabi pa ni Jude na ganap niyang kinikilala si Arroyo bilang commander-in-chief ng AFP.

Handa rin siyang sumama sa pagsalakay sa mga bandidong Abu Sayyaf kapag iniutos sa kanya. (Ulat ni Ding Cervantes)

Show comments