Ito ang nagkakaisang tugon ng mga kandidatong senador ng People Power Coalition bilang tugon sa panawagan kamakailan ni Enrile na itigil na ng administrasyon ang pagkaladkad sa pangalan ng EDSA 2.
Sinabi ni PPC senatorial candidate Liwayway Vinzons Chato na halatang may kinatatakutan si Enrile kaya allergic itong mapag-usapan ang naturang bagay. (Ulat ni Doris Franche)