Hazing sa PMA ipinatigil ni GMA
March 26, 2001 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamunuan ng Philippine Military Academy at maging ang mga kadete na ihinto na ang hazing at magsilbing halimbawa ang akademiya.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa graduation day ng PMA na dapat itong maideklara bilang "hazing-free zone" kasabay ng pagdidiin na walang maidudulot na kabutihan ang hazing.
Ginawa ng Pangulo ang kautusan kaugnay ng pagkamatay ng freshman cadet na si Edward Domingo sa isang hazing sa PMA noong Marso 10. Apat na sophomore cadet ang isinangkot sa pagkamatay ni Domingo at inaresto ng pulisya.
"Hindi na dapat maulit ang hazing," sabi pa ng Pangulo na sinalubong ng mga palakpak sa naturang pagtatapos sa PMA. Naka-half mast ang bandilang Pilipino sa isinagawang seremonya dahil sa pagkamatay ng 23-anyos na si Domingo.
Nagpahayag naman si PMA Superintendent Major General Manuel Carranza ng kahandaang magbitiw sa tungkulin kapag napatunayang nagpabaya siya sa pagtupad ng tungkulin kaugnay ng pinakahuling insidente ng hazing.
Samantala, 194 na kadete na kinabibilangan ng nasa top 10 ang nagtapos sa Class 2001 ng PMA.
Nanguna sa mga grumadweyt si Sadiri Sabutol, 22, anak ng mag-asawang magsasaka mula sa Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.
Sinabi ni Carranza na, sa 194 graduates, 10 ang babae na kinabibilangan nina Florangel Morito at Concepcion Reano na panglima at pangsiyam sa honor roll ayon sa pagkakasunod. (Ulat nina Ey Saludar at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended