4 Yakuza at 2 Arabo ipinatapon

Apat na Hapones na hinihinalang mga miyembro ng Yakuza at dalawang aroganteng Arabo ang ipinatapon kamakalawa ng Bureau of Immigration palabas ng bansa.

Kinilala ni Tom Natividad ng BI ang mga Hapones na sina Amano Fujitoshi, Wada Yoshiki, Toyomura Hiromi at Tamada Fumio na pawang pasahero ng Northwest Airlines flight 071 at dumating kamakalawa ng gabi mula sa Narita.

Nakilala naman ang mga Arabo na sina Bader Motla Alatawig at Bader Alataw na lulan ng Pakistani Airlines mula Karachi.

Hindi na inabot ng isang araw sa Pilipinas ang limang dayuhan nang iutos agad ni Natividad na pabalikin ang mga ito sa mga pinanggalingan nilang bansa. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments