^

Bansa

Registration okay na sa Senate bodies

-
Napagkasunduan ng finance at electoral reform committees ng Senado na sa Abril 7, Sabado, idaos ang special registration para sa may tatlong milyong botante.

Isinalang na rin kahapon sa floor deliberation ang panukalang-batas sa special registration.

Nagkasundo ang Senado at ang Comelec na, sa tatlong milyong botante na hindi pa nakakapagparehistro, 2.4 milyon ang baguhan at may edad na mula 18 hanggang 21 anyos samantalang ang natitirang 800,000 ay may edad na 21 anyos pataas.

Naiba ang bersyon ng Senado sa panukalang-batas sa House of Representatives na itinatakda ang rehistrasyon sa Abril 10-11.

Isa naman sa mga safeguard na isinusog ni Senador John Osmeña ang paglalaan ng hiwalay na voter’s list, election form at ballot boxes at bagong presinto para hindi makagulo sa mahigit 35 milyong botante na nakarehistro na. (Ulat ni Doris Franche)

ABRIL

COMELEC

DORIS FRANCHE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ISA

ISINALANG

NAGKASUNDO

NAIBA

SENADO

SENADOR JOHN OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with