1 sa 10 Pinoy walang hanapbuhay
March 16, 2001 | 12:00am
Marami ang nagugutom sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho.
Ito ang naging pahayag kahapon ni People Power Coalition (PPC) senatorial candidate at dating House Speaker Manuel Villar matapos mabunyag na isa sa sampung katao sa kabuuang work-force ng bansa ang walang trabaho o hanapbuhay.
Ayon kay Villar, sa istatistika noong Oktubre 2000 ng National Statistics Office, 10.1 ang unemployment rate sa bansa na nangangahulugang 3.1 milyong Pilipino na nais magtrabaho ang walang mapasukan.
"Ang ibig nitong sabihin, isa sa 10 nais mamasukan ay walang makitang hanapbuhay," pahayag ng Las Piñas solon.
Dahil dito, naniniwala si Villar na kinakailangang pursigihin sa ngayon ng administrasyong Arroyo ang lehislaturang magtutulak upang mapasigla ang kalakalan sa bansa na magbibigay ng maraming trabaho para sa mga taong walang hanapbuhay. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended