Special session ng Kongreso pinahahabaan
March 16, 2001 | 12:00am
Inirekomenda kahapon ni Senador John Osmeña na dagdagan pa ang araw ng special session ng Kongreso na ipinatawag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para mapagtibay ang isang batas na magtatakda ng rehistrasyon sa mga bagong botanteng kabataan.
Sinabi ni Osmeña na kulang ang tatlong araw na sesyon na sisimulan sa Lunes para masusugan ang Omnibus Election Code at mabigyang-daan ang naturang rehistrasyon.
Sinabi pa ni Osmeña na kulang ang tatlong araw dahil kailangan pang mag daos ng pampublikong pagdinig ang committee on constitutional amendments, revision of code and laws ng Senado. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest