Maralita di paloloko sa puwersa
March 12, 2001 | 12:00am
Tiniyak ng Adhikain at Kilusan ng Ordinaryong Tao, isang party-list group na miyembro ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino 2, na hindi nila papayagang lokohin muli umano ni dating Pangulong Joseph Estrada at ng mga kandidato nitong senador sa ilalim ng Puwersa ng Masa ang mga maralitang mamamayan.
Sinabi ni AKO Spokesman Poneng Tolentino na galit na galit sila kay Estrada dahil pinag-aaway nito ang mga maralita para lang makalusot sa pagkakulong.
Pinuna ni Tolentino ang paggamit umano ni Estrada sa mahihirap na mamamayan para makakuha ng simpatya. Hahakot anya ang dating Pangulo ng mga tao mula sa sektor ng maralita para sa mga rally ng Puwer sa ng Masa at palabasin na malaki pa ang suporta rito ng mamamayan.
Idinagdag ni Tolentino na ikakampanya ng kanilang grupo na dapat makulong si Estrada na nahaharap sa mga kasong plunder, perjury, ill-gotten wealth, graft at violation of Constitution. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest