Campaigner ni Lani tinodas sa Cavite
March 10, 2001 | 12:00am
Isa umano sa mga campaigner ni Bacoor, Cavite mayoralty candidate Lani Mercado ang pinagbabaril hanggang mapatay ng dalawang hindi kilalang salarin sa harap ng bahay ng biktima sa Barangay Molino 6 ng naturang bayan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eliseo Placidez, 49, pangulo ng Kasapi ng Maralitang Pilipino (KAMPI) at residente ng naturang lugar.
Sinabi ni PO1 Manny Barrientos ng Bacoor Police na papalabas umano si Placidez sa kanyang bahay nang salubungin at komprontahin siya ng dalawang suspek.
Sa kainitan ng pagtatalo, sinambit ng isa sa mga suspek ang mga katagang "huwag mo akong lokohin, papatayin kita" sabay bunot ng baril at pinaputukan ang biktima.
Tinamaan ng bala ng baril sa dibdib si Placidez na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Kasalukuyang sinisiyasat ng pulisya ang motibo ng krimen at mapagkakakilanlan sa mga suspek na agad tumakas pagkatapos ng pamamaril.
Sinasabi sa pangunang pagsisiyasat na pinagtatalunan nina Placidez at ng mga suspek ang membership fee na sinisingil ng biktima sa mga miyembro ng KAMPI.
Sinasabing isa si Placidez sa mga nangangampanya para kay Mercado na maybahay ni Cavite Governor Bong Revilla at kumakandidatong mayor sa Bacoor. (Ulat ni Mading Sarmiento at Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest