Pulis - Libya nahatulan sa rape - try sa Pinay

Isang 28-anyos na pulis sa Libya na si Faraj Mansour Merghani ang hinatulan kamakailan ng isang korte ng 18 buwang pagkabilanggo dahil sa tangka niyang panggagahasa sa isang Pilipinang nurse na si Evelyn Estante sa isang ospital sa naturang bansa noong Enero 20, 2000.

Sinabi pa sa ulat na tinanggap kamakalawa ng Department of Foreign Affairs na inatasan din ni Libyan Judge Salem Hassan Ismael si Merghani na magbayad ng kompensasyon kay Estante at bayaran ang mga naging gastusin sa asunto. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments