Isda at gulay mabili dahil sa mad cow disease
March 6, 2001 | 12:00am
Naging mabiling-mabili ngayon ang mga isda at gulay dahil sa pangamba sa mad cow disease at Foot and Mouth Disease na bumiktima sa maraming baka at baboy sa ibang bansa.
Ito ang inihayag kahapon ni dating Speaker Manny Villar na nagsabing bumaba ang benta ng karne dahil sa takot ng maraming mamimili sa naturang mga virus bagaman sa Europe lang ito kumakalat.
Napaulat na bumaba nang 50 porsiyento ang benta ng mga karne nang mapabalita ang hinggil sa mad cow.
Nanawagan si Villar sa mga mangangalakal na huwag magtaas ng presyo ng isda at gulay dahil nahihirapan na ang mga ordinaryong mamimili na pagkasyahin ang kakarampot nilang kita. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended