Ipinaliwanag ni Defensor na, bagaman marami ang humihikayat sa kanya na kumandidatong muli sa pagka-kongresista sa halalang lokal sa Mayo, mas binigyan niya ng halaga ang problema sa pabahay sa bansa.
"Sa tingin ko, mas mapaghamon sa akin ang paglutas sa problema ng mga iskuwater at pabahay hindi lang sa iisang bayan o lunsod kundi sa buong Pilipinas," sabi ni Defensor na napabalita kamakailan na magbibitiw sa puwesto dahil sa pagkakatalaga ng ilang bagong opisyal sa mga ahensyang may kaugnayan sa pabahay nang hindi muna ipinadaan sa kanya.
Sinabi ni Defensor na nagkaroon na ng malusog na diskusyon sa naturang usapin at naayos na ang lahat.
Nagpasalamat siya sa patuloy na tiwala ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang reform agenda sa housing sector. (Ulat ni Marilou Rongalerios)