^

Bansa

Rep. Mike Defensor, nanatili sa GMA Cabinet

-
Pormal na ipinahayag kahapon ni dating Quezon City Congressman Michael Defensor na mananatili siya sa kanyang puwesto bilang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Ipinaliwanag ni Defensor na, bagaman marami ang humihikayat sa kanya na kumandidatong muli sa pagka-kongresista sa halalang lokal sa Mayo, mas binigyan niya ng halaga ang problema sa pabahay sa bansa.

"Sa tingin ko, mas mapaghamon sa akin ang paglutas sa problema ng mga iskuwater at pabahay hindi lang sa iisang bayan o lunsod kundi sa buong Pilipinas," sabi ni Defensor na napabalita kamakailan na magbibitiw sa puwesto dahil sa pagkakatalaga ng ilang bagong opisyal sa mga ahensyang may kaugnayan sa pabahay nang hindi muna ipinadaan sa kanya.

Sinabi ni Defensor na nagkaroon na ng malusog na diskusyon sa naturang usapin at naayos na ang lahat.

Nagpasalamat siya sa patuloy na tiwala ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang reform agenda sa housing sector. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

vuukle comment

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

IPINALIWANAG

MARILOU RONGALERIOS

NAGPASALAMAT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PILIPINAS

PORMAL

QUEZON CITY CONGRESSMAN MICHAEL DEFENSOR

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with