Sinabi pa ng tagapagsalita na 13 pang sundalo ang namatay sa labanan sa Jolo.
Pero pinabulaanan ni Army area commander Major General Narciso Abaya ang pahayag ng Abu Sayyaf. "Kung merong ganitong report, hindi namin yan maitatago," sabi pa ni Abaya.
Sinabi ni Abaya na, sa tally ng militar, dalawang sundalo ang napatay at 23 ang nasugatan sa sagupaan sa kagubatan ng Jolo noong Biyernes. (Ulat ni Joy Cantos)