2 RPA-ABB leader ipapatawag sa Popoy probe

Nakatakdang imbitahan ng Philippine National Police ang mga lider ng Revolutionary Proletariat Army-Alex Boncayao Brigade na sina Nilo dela Cruz at Arturo Tabara para hingan ng pahayag kaugnay ng pagpaslang sa labor leader na si Felimon "Popoy" Lagman.

Pero nilinaw ni PNP Chief Deputy Director Leandro Mendoza na iniimbitahan lang nila sina dela Cruz at Tabara para makatulong sa mabilis na paglutas sa kaso at hindi nila itinuturing ang dalawa bilang responsable sa krimen. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments