Capulong kapalit ni Miriam

Isa sa private prosecutor sa naudlot na paglilitis sa kasong impeachment laban kay dating Pangulong Joseph Estrada na si Atty. Romeo Capulong ang sinuportahan ng Department of Foreign Affairs bilang kandidato ng Pilipinas sa international tribunal court ng United Nations.

Ipapadala ng DFA sa susunod na linggo sa Philippine post sa New York ang curriculum vitae ni Capulong na siyang pumalit kay Senador Miriam Defensor-Santiago na naunang tumanggi sa naturang posisyon.

Kapag nanalo si Capulong sa halalang gagawin sa Marso, mapapabilang siya sa 14 na miyembro ng naturang hukuman sa loob ng apat na taon. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments