China napikon sa RP Navy
February 9, 2001 | 12:00am
Isang opisyal ng embahada ng Pilipinas sa China na si Deputy Mission Chief Elizabeth Buensuceso ang ipinatawag noong nakaraang linggo ng foreign ministry ng naturang bansa para ihayag sa kanya ang protesta ng pamahalaang Intsik laban sa pagsakay ng mga tauhan ng Philippine Navy sa apat na Chinese fishing vessel sa Scarborough Shoal sa Spratly.
Ito ang nabatid kahapon kay Acting Foreign Affairs Secretary Lauro Baja na nagsabing hiniling din ng China ang paglayas ng mga patrol boat at eroplano ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.
Inakyat umano ng mga tauhan ng Navy ang mga barkong Intsik noong nakaraang linggo dahil sa pagtanggi ng mga ito na umalis sa naturang lugar.
Kinumpiska ng Navy sa naturang mga barko ang mga pagong na iligal na hinuli ng mga mangingisdang Intsik. Pinayagan nilang umalis ang mga barko bagaman wala namang inaresto.
Tinutulan din ng China ang pahayag ng militar ng Pilipinas na nagsasagawa sila ng sovereignty patrol sa naturang lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended