^

Bansa

Basura ng Metro Manila itapon sa Manila Bay - Phivolcs

-
SAN FERNANDO, Pampanga- Sinabi kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Raymundo Punongbayan na pinakamabuting pagtapunan ng mga basura ng Metro Manila ang Manila Bay.

Gayunman, sinabi ni Punongbayan na walang mali kung gagawing tambakan ng mga basura ng Metro Manila ang mga lugar na tinatabunan ng lahar sa paligid ng bulkang Pinatubo.

Sinabi pa ni Punongbayan sa isang panayam na posibleng gawing tambakan ng mga basura ang Manila Bay na magsisilbi rin bilang reclamation project.

Pero idiniin ni Punongbayan na dapat pag-aralang mabuti ang mga kinakailangang engineering measures para maiwasan ang tinatawag na leacheate sa Manila Bay. Makakatipid din anya sa gastos sa transportasyon kung sa look itatapon ang mga basura.

Idiniin niya na magiging lalong mataba rin ang mga lugar na tinabunan ng lahar kung gagamitin itong tambakan ng basura. (Ulat ni Ding Cervantes)

DING CERVANTES

GAYUNMAN

IDINIIN

MAKAKATIPID

MANILA BAY

METRO MANILA

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY DIRECTOR RAYMUNDO PUNONGBAYAN

PUNONGBAYAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with