GMA na-pressure sa pagpili ng VP
February 1, 2001 | 12:00am
Pressure umano ang dahilan kaya naudlot ang pagpapahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kamakalawa hinggil sa kanyang desisyon kung sino ang itatalaga niyang bagong bise presidente ng bansa.
Ito ang nabatid kahapon kay Senate President Aquilino Pimentel na nagsabing handa na sana si Arroyo na ihayag sa publiko ang napili nitong bise presidente pero ipinagpaliban ito ng Pangulo dahil marami ang umaaligid dito.
Sinabi ni Pimentel na nagkagulo sa Malacañang dahil sa dami ng mga tinanggap nitong sulat na nag-eendorso ng kung sino-sinong bise presidente. Isa sa mga nominado ang uminit ang ulo nang maudlot ang desisyon ng Pangulo.
Sa huling survey naman ng Social Weather Station sa Metro Manila noong Enero 27, mayorya ng mga residente ang mas nais na sino man kina Pimentel at Senador Raul Roco ang dapat maging bise presidente. (Ulat nina Doris Franche at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended