"Dapat nang simulan ang paglutas sa mga hidwaan sa pamamagitan ng usapang pakikipagkapayapaan sa lahat ng rebeldeng grupo at ipatupad ang batas sa lahat ng elementong kriminal," sabi pa ni Honasan na tagapangulo ng peace, unification and reconciliation committee ng Senado.
Gayunman, iginiit niya na dapat ipagpatuloy ng pamahalaang Arroyo ang pagsugpo sa bandidong Abu Sayyaf at ibang grupong kriminal na nagpapabagsak sa ekonomiya ng Mindanao.
Samantala, sinabi ni MILF technical working committee vice chairman Lanang Ali na pakikinggan muna nila ang gustong mangyari ng pamahalaang Arroyo bago umpisahan ang pag-uusap.
Sinabi ni Ali na bukas ang kanilang pinto sa pag-uusap at positibo ang MILF na mas malaki ang tsansang may kahihinatnan ito sa ilalim ng bagong administrasyon.
Sa Malacañang, inutos na ng Pangulo ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga rebeldeng komunista at Muslim. Pinag-aaralan na rin ang tigil-putukan kaugnay ng pag-uusap. (Ulat nina Rose Tamayo, Joy Cantos at Ely Saludar)