Gloria kinilala ng Russia

Nadagdag ang Russia sa mga bansang bumati at kumilala kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na presidente ng bansa.

Sa kanyang liham ng pagbati, umasa si Russian President Vladimir Putin na lalong iigting ang relasyon ng dalawang bansa at magtagumpay sana sa panunungkulan si Arroyo.

Umaabot na rin sa 60 bansa ang nagpahayag ng pagbati sa bagong pangulo. Nagpahayag din ng pagbati ang bago ring Pangulo ng United States na si George Bush. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments