Labis na ipinagtaka ng ibang mga miyembro ng PMAAAI na, sa unang pagkakataon, hindi sila sinipot nina Lacson at Honasan na inaasahang magiging tampok sana ng pagtitipon.
Sinasabi sa mga ulat na kapwa nanahimik ang dalawa makaraang mapatalsik sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada.
Dumalo rin sa pagtitipon ang bagong commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa kanyang talumpati, hiniling ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng militar sa mabilis na panunumbalik ng kaayusan at katahimikan ng bansa.
Buong-buo rin ang tiwala ni Arroyo sa katapatan at propesyonalismo ng AFP sa kabila ng umuugong na tsismis hinggil sa bantang kudeta ng isang paksyon ng militar.
Sinabi ni Arroyo na, bagaman tsismis lang ang ulat, hindi ito dapat ipagwalambahala kaya mabilis niya itong ipinabeberipika kung totoo. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)