^

Bansa

PMA alumni meet inisnab nina Lacson at Honasan

-
Inisnab nina dating Philippine National Police Chief Director-General Panfilo Lacson at Senador Gregorio Honasan ang taunang pagtitipon kahapon ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. sa Camp Aguinaldo sa Quezon City bagaman kabilang sila sa PMA Class 1971.

Labis na ipinagtaka ng ibang mga miyembro ng PMAAAI na, sa unang pagkakataon, hindi sila sinipot nina Lacson at Honasan na inaasahang magiging tampok sana ng pagtitipon.

Sinasabi sa mga ulat na kapwa nanahimik ang dalawa makaraang mapatalsik sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada.

Dumalo rin sa pagtitipon ang bagong commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang talumpati, hiniling ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng militar sa mabilis na panunumbalik ng kaayusan at katahimikan ng bansa.

Buong-buo rin ang tiwala ni Arroyo sa katapatan at propesyonalismo ng AFP sa kabila ng umuugong na tsismis hinggil sa bantang kudeta ng isang paksyon ng militar.

Sinabi ni Arroyo na, bagaman tsismis lang ang ulat, hindi ito dapat ipagwalambahala kaya mabilis niya itong ipinabeberipika kung totoo. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY ALUMNI ASSOCIATION INC

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR-GENERAL PANFILO LACSON

QUEZON CITY

SENADOR GREGORIO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with