Probe kay Velarde hingi

Dapat imbestigahan ng administrasyong Arroyo ang lider ng El Shaddai na si Bro. Mike Velarde dahil sa umano’y kuwestyunable niyang P1.2 bilyong real estate transaction sa administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang iginiit kahapon ni Rev. Fr. Jose Dizon ng grupong Kairos kasabay ng pagsasabing dapat pabulaanan ni Velarde ang akusasyon na may utang na loob ito kay Estrada dahil sa naturang mga transaksyon. (Ulat ni Sandy Araneta)

Show comments