PNP babalasahin
January 25, 2001 | 12:00am
Napipinto ang malawakang pagbabalasa sa liderato ng Philippine National Police makaraang bakantehin ng anim na mataas na opisyal na kaalyado ni dating PNP Chief Director General Panfilo Lacson ang kanilang mga posisyon.
Sumunod na nagbitiw si Chief Supt. Francisco Zubia, director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group. Ang iba pang mga opisyal na tinaguriang "Lacson boys" na sinibak naman sa serbisyo ay kinabibilangan nina Police Directors Reynaldo Acop, Directorate for Personnel and Records Management, kapatid nitong si Romeo Acop, PNP Comptrollership, Jaime dela Cruz ng PNP, Directorate for Logistics at Victor Batac, Directorate for Police Community Relations (DPCR).
Samantala, hindi napigilan ni Chief Supt. Florencio Fianza ang mairita sa balita na sabik na sabik na siyang maging hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). Aniya, ni pumasok umano sa tanggapan ng PAOCTF sa Camp Crame ay ayaw niyang gawin sa ngayon kung kaya mas imposible aniya ang ibinibintang sa kanya ng ilang "bata" ni Lacson na sabik na sabik siyang maging hepe ng PAOCTF. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 27, 2024 - 12:00am
December 25, 2024 - 12:00am
December 24, 2024 - 12:00am