^

Bansa

Bantayog itatayo para sa ‘onseng’ senador

-
Isang bantayog ng kalayaan ang itatayo ng grupong Akbayan sa tapat ng EDSA Shrine na sumaksi sa pangalawang people power revolution na nagpatalsik naman kay dating Pangulong Joseph Estrada sa puwesto.

Pero sinabi ni Arlene Santos ng Akbayan campaign committee na, sa naturang bantayog, iuukit ang pangalan ng 11 senador na tumangging buksan ang pangalawang envelope na naglalaman ng P3.3 bilyong bank account ng isang Jose Velarde na ayon sa mga testigo ay si Estrada rin.

Ang naturang hakbang ng 11 senador na sina Juan Ponce Enrile, Francisco Tatad, Tessie Oreta, Nikki Coseteng, Miriam Santiago, John Osmeña, Robert Jaworski, Ramon Revilla, Blas Ople, Vicente Sotto, at Gregorio Honasan ang higit na nagpagalit sa mga anti-Estrada goup at ibang sektor at nagbunsod sa pangalawang people power revolution.

Sinabi ni Santos na, sa bantayog, isusulat nila katabi ng pangalan ng 11 mambabatas ang mga katagang "mga taksil na senador" at "huwag iboto ang taksil na senador."

Naglagay din ang Akbayan ng apat na freedom board na nilagdaan ng maraming dumaraan sa naturang lugar.

Sinabi ni Jessie Dimaisip ng Akbayan na umpisa pa lang ito ng kanilang signature campaign laban sa mga trapo (traditional politician).
Pero, sa Senado, binatikos ni Tatad ang mga tagasuporta ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa patuloy na panggigipit at panghihiya nila sa 11 senador.

Tinukoy niya ang 10 senador na tagasuporta ni Arroyo at pumabor sa pagbubukas ng envelope.

Sinabi ni Tatad na, kung ganito ang gawi ng 10 senador, baka mahirapan ang Malacañang na makuha ang kooperasyon ng Kongreso sa pagpapatibay ng mahahalagang panukalang-batas bagaman nangako si Arroyo ng isang proseso ng "paghihilom ng sugat" at pagkakaisa. (Ulat nina Rose Tamayo, Danilo Garcia at Doris Franche)

AKBAYAN

ARLENE SANTOS

BLAS OPLE

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

FRANCISCO TATAD

GREGORIO HONASAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with