Belmonte lamang sa Speakership, Villar nagpaubaya
January 25, 2001 | 12:00am
Si Minority Leader Feliciano Belmonte na lang ang lumalaban para sa pagka-speaker ng House of Representatives at humahamon sa liderato ng kasalukuyang Speaker na si Arnulfo Fuentebella.
Ipinasya kahapon ni dating Speaker Manuel Villar na huwag nang kumandidato para mabawi muli ang dati niyang puwesto na naunang naagaw sa kanya ni Rep. Arnulfo Fuentebella.
Sa halip, nagpaubaya si Villar kay Belmonte para ito na ang lumaban kay Fuentebella.
Ginawa ni Villar ang hakbang para maisulong nang husto ang mga programa ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
"Alam kong kaya ni Congressman Belmonte na pag-isahin ang mga kongresista tungo sa iisang direksyon at iyan ay ang pagtulong kay Pangulong Arroyo.
Bukod anya sa karanasan bilang mambabatas, maganda ang ipinakita ni Belmonte sa pamamahala sa 11 kongresistang nagsilbing tagausig sa kasong impeachment laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Pinabulaanan ni Villar ang ulat na nagkukumahog siyang mabawi ang dati niyang posisyon dahil sa salapi at para makaganti kay Fuentebella na nagpatalsik sa kanya bilang lider ng House kasunod ng pagpapatibay niya sa articles of impeachment laban kay Estrada.
Sinabi ni Belmonte na meron na siyang kaalyadong 130 kongresista na sobra-sobra na ang bilang para mapatalsik si Fuentebella.
Patuloy na nabibimbin ang pagbalasa sa House dahil sa tila umano pagtanggi ni Fuentebella na bumaba sa puwesto bagaman napatalsik na ang dati niyang sinusuportahang si Estrada. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest