Sinabi ni Sison na hindi pahihintulutan ng nakakaraming mamamayan ang posibilidad na aregluhan nina Arroyo at Estrada.
Pero sinabi ng tagapagsalita ni Arroyo na si Renato Corona sa isang panayam sa Malacañang na hindi kukumpiskahin ng pamahalaan ang mga mansion ni Estrada kung walang makatarungang proseso.
Idiniin pa ng political consultant ng National Democratic Front na kailangang pursigihin ng bagong administrasyon ang mga kasong kriminal laban kay Estrada at sa mga Marcos at cronies at piliting mabawi ang kanilang ill-gotten wealth.
Sa Malacañang, inutos ni Arroyo kay Executive Secretary Renato de Villa na mabilis na ibalik ang prosesong pakikipagkapayapaan sa mga grupong rebelde tulad ng CPP at Moro Islamic Liberation Front.
"Kailangang bilisan natin ang hakbang para makaagapay tayo sa ibang bansa sa larangan ng kabuhayan at katatagang pulitikal," sabi pa ng Pangulo sa idinaos na command conference na dinaluhan ng mga opisyal ng militar at pulisya. (Ulat nina Tony Sandoval at Lilia Tolentino)