Atong tumakas papalabas ng bansa
January 21, 2001 | 12:00am
Tumakas na palabas ng bansa si Charlie "Atong" Ang, ang kontrobersyal na crony ng pinatalsik na Pangulong Joseph Estrada sakay ng eroplanong Cathay Pacific flight na umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga.
Si Ang, 43, ng #18 Manansala St., Corinthian Village, Quezon City ay umalis ng bansa dakong alas-6:47 ng umaga sakay ng flight CX-904 patungong Hong Kong.
Si Ang, may hawak ng Philippine passport #DD065712, base sa Cathay Pacific passengers manifest ay kinumpirmang nakaupo sa business class seat #11K at pansamantalang titira sa Hyatt Hotel, HK.
Magugunita na ang hidwaan sa pagitan ni Ang at Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang nagsimula ng iskandalo ng jueteng na nagbigay-daan upang mabuksan ang imbestigasyon na isinagawa ng Kamara tungo sa iniharap na impeachment case laban kay dating Pangulong Estrada. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended