^

Bansa

Cayetano di raw dapat umatras sa trial

-
Hindi na kailangang mag-inhibit pa sa impeachment trial si Senator Renato Cayetano matapos nitong akusahan si Pangulong Joseph Estrada na nakialam para baligtarin umano ang desisyon sa kontrobersyal na kaso ng Vizconde massacre.

Ito ang inihayag kahapon ni Atty. Froilan Bacungan, dating dean ng UP College of Law sa ginanap na Kapihan sa Sulu Hotel sa Quezon City.

Sinabi ni Bacungan na walang dahilan para i-ground si Cayetano sa impeachment trial dahil ang proseso nito ay pulitikal at hindi "judicial in nature".

Una rito, inakusahan ni Cayetano nitong Miyerkules si Estrada na hiniling umano sa kanya na pawalang-sala ang mga pangunahing akusado sa Vizconde massacre. Si Cayetano ang tumayong isa sa abogado ng mga Vizconde.

Kabilang sa mga akusado sa Vizconde massacre ay sina Hubert Webb, anak ni dating Senador Freddie Webb na isa sa mga kaibigan ni Estrada. Si Webb ay nahatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo sa nasabing kaso.

Sakali naman umanong manghimasok ang mga pribadong indibidwal upang ma-inhibit sa pagdinig si Cayetano, sinabi in Bacungan na mababasura rin ito dahil sa isyu ng pulitika ang usapin. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BACUNGAN

CAYETANO

COLLEGE OF LAW

FROILAN BACUNGAN

HUBERT WEBB

JOY CANTOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

SENADOR FREDDIE WEBB

VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with