Shabu laganap sa Kongreso?
January 14, 2001 | 12:00am
Dahil sa barilang naganap sa House of Representatives kamakailan na ikinamatay ng dalawang kasapi ng House Security group, mas malalim na problema ang maaaring kaharapin ngayon ng Kamara sanhi nito.
Ito ay matapos na paghinalaan na posibleng may kinalaman ang bawal na gamot sa naturang insidente.
Ayon sa isang source, may mga empleyado ng Kamara ang lulong sa ipinagbabawal na gamot, partikular ang shabu.
Ang kawaning nakatoka sa mahabang oras ng trabaho ang higit umanong malapit sa bawal na gamot tulad ng mga nakatalaga sa security, motor pool, property and engineering at printing.
Ilang tauhan din umano ng mga kongresista ang gumagamit ng bawal na gamot.
Bilang katunayan umano, isang babaing chief of staff ng isang congressman at isang lalaking empleyado ng Kamara na diumanoy parehong high sa drugs ang nahuli ng mga guwardiya na nagtatalik sa loob ng opisina noong isang taon sa isang congressional office.
Ang lalaking empleyado ng Kamara, ayon pa sa source, ay kalalabas lamang sa rehabilitation center matapos ang tatlong buwang pagpapagamot.
Ipinapalagay na nagmumula sa kalapit na squatter area ng Batasan nanggagaling ang supply ng shabu.
Nauna rito, nanawagan si Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri na isailalim sa drug test ang mga kawani ng House security kasunod ng pagkakabaril at pagkapatay ni Renato dela Cruz sa kanyang superior na si Roselio Ylagan at kasamahang si Gerald Rallos. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended