Estrada nagbago na
January 14, 2001 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Executive Secretary Edgardo Angara na malaki ang nakikita niya ngayong pagbabago ni Pangulong Joseph Estrada at inspirado ang mga bagong miyembro ng Gabinete sa direksyong tinatahak ng pamahalaan.
Sinabi ni Angara sa radio program na "Jeep ni Erap: Ang Pasada ng Pangulo" na maaga nang gumising si Estrada at hindi na ito nahuhuli sa mga pulong at seremonya.
"Hindi natin masasabing 100 porsiyentong nag-improve. Pero napapansin ng mga nagtatrabaho sa kanya na nasa oras siya sa mga public function.
Ang Pangulo na rin anya ang nagsabing nagkamali siya noong nagdaang panahon sa pagpili at pakikisama sa mga kaibigan.
Idinagdag ni Angara na, mula nang umpisahan ang paglilitis sa kasong impeachment laban sa Pangulo, hindi na ito nagpapahinga dahil nakikipagpulong ito sa iba’t ibang sektor at mga bisita mula sa ibayong-dagat kahit Sabado at Linggo.
Samantala, tiniyak ni Angara na, kapag naabsuwelto ang Pangulo, hindi nito paghihigantihan ang mga nanawagan sa pagbibitiw nito sa puwesto. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am