^

Bansa

Cayetano igigisa sa impeachment trial

-
Posibleng isalang ng impeachment court sa witness stand si Senador Renato Cayetano para magpaliwanag sa kinita niyang mahigit P70 milyon sa shares sa Best World Resources na pag-aari ng negosyanteng kaibigan ni Pangulong Joseph Estrada na si Dante Tan.

Sinabi kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel Jr. na kailangang magpaliwanag si Cayetano dahil nalalagay sa alanganin ang kredibilidad nito lalo pa at kabilang ito sa mga tumatayong hukom sa paglilitis sa mga kasong impeachment laban sa Pangulo.

Sinasabi umano ni Tan na hindi siya binayaran ni Cayetano sa mga binili nitong P4.5 milyong shares kahit binigyan niya ito ng diskuwento.

Idinahilan naman ni Cayetano na sumobra lang ang kuwenta ni Tan sa kanyang kinita. Dapat anya itong kasuhan ng libel at perjury dahil sa kasinungalingan nito.

Idiniin ni Cayetano na hindi siya kailanman nanghingi ng shares sa BW dahil nagbayad agad siya rito ng P6 milyon.

Idinagdag ni Cayetano na idinadawit lang siya ng mga tauhan ng Malacañang sa isyu ng BW Resources dahil hindi niya napagbigyan ang pabor na hinihingi ng Pangulo para mapawalang-sala ang anak ni dating Senador Freddie Webb na si Hubert sa kasong pagpaslang kay Estrellita Vizconde at mga anak nitong sina Carmela at Jennifer sa Parañaque noong 1991. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BEST WORLD RESOURCES

CARMELA

CAYETANO

DANTE TAN

DORIS FRANCHE

ESTRELLITA VIZCONDE

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENADOR FREDDIE WEBB

SENADOR RENATO CAYETANO

SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with