^

Bansa

Dante Tan kumita ng P800M sa bentahan ng stock — Yulo

-
Sinabi kahapon ni dating Philippine Stock Exchange President Jose Luis Yulo sa impeachment court na hindi biktima ang negosyanteng kaibigan ni Pangulong Joseph Esrada na si Dante Tan ng Best World Resources at sa halip, kumita ito ng P800 milyon sa bentahan ng stocks.

Sinabi ni Yulo na kinausap siya ng Pangulo para gumawa ng paraan at pumabor kay Tan ang imbestigasyon ng PSE sa BW na inakusahan ng stock manipulation at insider trading.

Sinabi pa ni Yulo na bagaman binanggit ng Pangulo na walang magagawa kung may kasalanan, ipinipilit ni Estrada na kaibigan nito si Tan mula pa nang Bise President ito.

Ipinaliwanag niya na hindi sila ang nag-iimbestiga sa kaso kundi ang indipendiyenteng compliance and surveillance group kaya hindi niya ito mapanghihimasukan.

Napilitan siyang banggitin na ipapaalam niya ang resulta ng imbestigasyon dahil ilang ulit siyang tinawagan ng Pangulo sa telepono para paboran ang naturang negosyante.

Tulad ng naunang testimonya ng dating hepe ng CSG na si Ruben Almadro, sinabi ni Yulo na sinabihan siya ng Pangulo na inayos na ni Tan ang noon ay tagapangulo ng Securities and Exchange Commission na si Perfecto Yasay kasabay ng pagsenyas ng anyong pera sa kamay.

Samantala, lumitaw sa pagtatanong ni Senator-Judge Raul Roco na hindi gumawa ng paraan si Almadro para kasuhan ang mga nagsasagawa ng insider trading bagaman may narinig na ito hinggil sa naturang katiwalian.

Sinasabi rin ni Tan na nakakuha umano si Almadro ng P2.4 milyon noong 1991 para iligtas lamang siya sa imbestigasyon bago nalantad ang iskandalo sa kanyang kumpanya.

Sinabi pa ni Tan na P1.5 milyon ang una niyang ibinigay kay Almadro matapos nitong isumite sa PSE Board ang resulta ng imbestigasyon dahil napatunayang responsible si Tan sa stock manipulation. Humingi pa uli umano si Almadro ng P1.5 milyon bilang acceptance fee.

Sa Malacañang, iginiit kahapon ng Pangulo na wala siyang kinalaman sa umano’y suhulan o "ayusan" nina Tan at Yasay sa naturang iskandalo sa stock market.

Naunang sinabi ni Almadro sa Senado na nagtungo sila ni Yasay sa Malacañang at ang Pangulo mismo ang nagsabi na inayos na ni Tan si Yasay sa naturang kaso.

Nilinaw ng Pangulo na hindi nila napag-usapan nina Almadro at Yulo sa pulong sa Malacañang ang suhulan nina Yasay at Tan.

Pinabulaanan din niya na nagbigay siya ng pressure sa PSE para maabsuwelto si Tan. (Ulat nina Doris Franche at Ely Saludar)

vuukle comment

ALMADRO

BEST WORLD RESOURCES

BISE PRESIDENT

PANGULO

SINABI

TAN

YASAY

YULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with