3 oil firm nanlalansi -Villar
January 10, 2001 | 12:00am
Ipinahiwatig kahapon ni dating Speaker Manuel Villar na nanlalansi lang ang Caltex, Shell at Petron nang ibaba nito kamakalawa nang 50 hanggang 60 sentimos ang presyo ng langis kada litro.
Sinabi ni Villar na dapat mahigit sa 60 sentimos ang rollback para tumugma sa ibinaba ng pandaigdigang presyo ng krudo.
Ayon kay Joe Concepcion ng Consumer Price Watch, dapat P1.20 ang ibaba ng lokal na presyo ng langis.
Gayunman, iniulat kahapon ni Energy Secretary Mario Tiaoqui sa Pangulo na posibleng magkaroon muli ng rollback sa buwang ito de-pende sa galaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Maaari anyang mula 60 sentimos hanggang P1 ang ibaba ng presyo ng bawat litro ng langis. (Ulat nina Marilou Rongalerios at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended