Sinabi ni Santiago na payag na siyang umupo sa gallery ng session hall at manood sa paglilitis sa kasong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada ang tatlo bastat susundin ng mga ito ang mga regulasyon ng korte tulad ng pananahimik.
Idiniin ni Santiago na kailangan lang ipatupad ang disiplina tulad ng pagbabawal sa pagtawa at paglikha ng ibang ingay dahil nakakaabala ito sa pagdinig pero hindi anya ito nangangahulugan na hindi na maaaring gumalaw ang audience sa gallery. Idinagdag niya na gagawa siya ng paraan sa Lunes para makapanood muli ang tatlo nang walang kundisyon.
Pinag-initan ni Santiago ang tatlong miron nang inakala niyang tinitingnan siya ng mga ito nang masama at nagtayuan habang tinatanong ni Senador-Judge Raul Roco ang isang testigo kamakalawa. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)