Ito ang sinabi ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada na nagkuwestyon kung may legal authority ang Pangulo na gamitin ang kanyang screen name sa halip na Jose Marcelo Ejercito na tunay niyang pangalan.
Nakasaad anya sa seksyon 1 ng Commonwealth Act no. 142 na inisyu noong 1937 na maliban sa pseudonym para sa literary purposes walang taong puweding gumamit ng ibang pangalan o alyas kundi ang tunay nitong pangalan maliban sa pag-aruba ng korte.
Isinaad din sa seksyon 2 ng naturang batas na ang sinumang gagamit ng alyas ay kailangan munang mag-apply sa korte bago nito mabago ang pangalan at sinumang lalabag sa nasabing probisyon ay may kaparusahang pagkabilanggo mula isa hanggang anim na buwan. (Ulat ni Malou Rongalerios)