Nagsama silang muli ni First Lady Loi noong 1987
January 1, 2001 | 12:00am
Bumalik si First Lady Loi at tatlong anak mula sa United States noong 1987 at nakisamang muli kay Erap. Ang pagsasamang iyon ay dahil umano sa matinding pakiusap ni Doña Mary Ejercito kay Erap. Personal pa umanong nagtungo si Doña Mary sa US para hikayatin si Loi na makisamang muli sa anak. Naganap ang pagkabuo ng pamilya sa panahong tatakbo sa Senado si Erap.
Masakit ang nadama ni Guia sa paghihiwalay na iyon. Labingwalong taon silang nagsama ni Erap at kalabisang sabihin na talagang malalim ang kanilang naging relasyon. Nang mga panahong nagsama sila ni Erap ay tinanggap din niya ang lahat ng pasakit at labis din umano ang pagtitiis nito. Ito ay sa dahilang hindi maawat si Erap sa mga bisyo nito na kinabibilangan ng alak, babae at sugal. May mga kinahuhumalingan umanong babae si Erap (na karamihan ay mga katambal nito sa pelikula) noong nagsasama sila. Masakit pero kailangang tanggapin. Tahimik na umalis si Guia sa bahay na iyon sa Greenhills, kasama ang anak na si "JV".
Si "JV" naman umano ay hindi makapaniwala sa natuklasang "anak siya sa labas" ni Erap. Mahirap aniyang tanggapin na bukod pala sa kanya ay mayroon pang ibang anak ang kanyang ama. Sa isang interbyu ng Phillippine Star noong July 10, 1998, sinabi ni "JV" na nasaktan siya nang malamang "anak siya sa labas". Ang akala raw niya ay nag-iisa siyang anak at naihalintulad ang sarili kay Chelsea Clinton, babaing anak ni US President Bill Clinton. Nahirapan umano siyang mag-adjust sa pagkakatuklas sa katotohanang iyon. Subalit kailangan aniyang maging bukas ang isipan at tanggapin ang realidad.
Pero kung masakit kay "JV" na malamang hindi pala siya ang "nag-iisang prinsipe sa buhay ng ama", mas masakit iyon sa kanyang inang si Guia na nagtiis din ng maraming hirap at sakit ng loob sa dalawang dekada. Ngunit wala rin itong magawa kundi tanggapin nang maluwag sa dibdib ang tadhana at ang realidad ng buhay. Walang paghihimutok na nilisan ang tahanang naging saksi ng pagmamahalan nila ni Erap. Binigyang-daan niya ang muling pagsasama ni Erap at ng kabiyak nitong si Loi na orihinal namang may-ari ng lalaking minahal niya nang labis mula noong 1962. Hindi niya maaaring malimot ang lalaking nakatambal sa Asiong Salonga. Hinding-hindi. (Ulat ni Ronnie M. Halos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended