Bombings para pilitin si Erap na magbitiw
January 1, 2001 | 12:00am
Maaaring isinagawa ng mga nambomba sa ilang lugar sa Metro Manila ang krimen kamakalawa para puwersahin si Pangulong Joseph Estrada na magbitiw sa tungkulin.
Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Alexander Aguirre sa panayam hinggil sa posibleng motibo ng mga suspek sa naturang pambobomba na ikinamatay ng 14 na tao at ikinasugat ng mahigit 90.
Sinabi rin ni Aguirre na hindi isinasaisantabi ng mga awtoridad ang posibilidad na maaaring may kagagawan ng pambobomba ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na naunang isinangkot sa hiwalay na serye ng pambobomba sa ilang shopping malls sa Metro Manila na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng 30 pa noong Mayo ng taong ito.
Binisita kamakalawa ng gabi ng Pangulo sa iba’t ibang ospital ang ilan sa mga nasugatan sa pambobomba sa isang tren ng Light Rail Transit, isang bus sa Quezon City, Ninoy Aquino International Airport at sa Makati City.
Sinabi ng Pangulo na maaaring may kagagawan ng pambobomba ang National Democratic Front at ang MILF na meron nang taktikal na alyansa.
Nasa full alert pa rin kahapon ang pulisya at nakakalat ang mga pulis sa mga shopping mall, simbahan, bus terminal at ibang mataong lugar.
Pinabulaanan din ng Pangulo ang akusasyon ng oposisyon na gagamitin niya ang mga naganap na bombahan sa pagdedeklara ng state of emergency at buwagin ang Kongreso na magbubunsod ng paghinto ng paglilitis sa kasong impeachment laban sa kanya.
Isinisi naman ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison kay Estrada ang pambobomba na naglalayon umanong ilihis ang atensyon ng mamamayan mula sa kasong impeachment nito.
Walang binanggit na ebidensya si Sison para suportahan ang akusasyon niyang may kinalaman ang administrasyong Estrada sa insidente. Pinabulaanan naman ng ilang opisyal ng Malacañang na may kinalaman ang pamahalaan sa pambobomba.
Wala pa ring impormasyon ang pulisya hinggil sa mga suspek hanggang isinusulat ito kahapon. Tatlong tao ang inimbitahan ng pulisya para kuwestyunin pero sinabi ni Western Police District Director C/Supt. Avelino Razon na wala pang malinaw sa kaso.
Nang tanungin kung mapipilitan siyang magdeklara ng martial law dahil sa pambobomba, sinabi ni Estrada sa mga reporter na malayong mangyari ito.
Isang opisyal ng Southern Police District ang nagsabing posibleng may kinalaman sa paglilitis sa kasong impeachment ng Pangulo ang pambo bomba.
Lumitaw rin sa imbestigasyon ng pulisya na isang home-made high-powered bomb ang sumabog sa may labas ng Dusit Hotel sa Makati City na ikinamatay ng dalawang pulis.
Pinalaya rin ng Makati Police ang nauna nitong dinampot at kinuwestyon na sina Felicisimo Consuela, 51, ng Biñan, Laguna at Edwin Trapela, 41, ng Muntinlupa City dahil walang ebidensya na nagsasangkot sa kanila sa pambobomba.
Tiniyak naman ng Pangulo na papanagutin niya sa batas ang mga responsable sa pambobomba at ibubuhos niya ang puwersa ng pamahalaan para mabigyan ng katarungan ang naturang karahasan na bumiktima ng mga inosenteng sibilyan.
Samantala, sinabi ni Transportation Secretary Vicente Rivera na 24 oras na babantayan ng pulisya ang mga istasyon ng MRT at ng Light Rail Transit.
Nanawagan si Rivera sa mga pasahero na unawain ang pagrerekisa sa kanila sa pagsakay sa LRT at MRT.
Hanggang kahapon, walang operasyon ang LRT mula nang bombahin ang isa nitong coach noong Sabado na ikinamatay ng 11 pasahero at ikinasugat ng mahigit 70 tao.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng napinsala sa naturang tren.
Inatasan ni Interior Secretary Alfredo Lim ang Philippine National Police na walang humpay na kilalanin at arestuhin at usigin ang mga may kagagawan ng mga pambobomba. (Ulat nina Ely Saludar, Tony Sandoval, Sheila Crisostomo at Cecille Suerte Felipe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended